Feb 25, 2010 is Blog Action Day : The real heroes of EDSA

Twenty four years ago, our people toppled a tyrant.    On February 25, 2010 let us re-tell their stories.

On Thursday, we are enjoining all young Filipinos to blog about the stories of the real heroes of EDSA: our parents, grandparents, ates and kuyas, titos and titas, ninong and ninangs.

We may have been too young then or were not even born yet, but we can ask them to recount their tales of real-life heroism to us. What prompted them to join the uprising? What were their thoughts and feelings? What did they wear, eat, chant? How did it feel to be able to be surrounded by overwhelming unity and patriotism among millions of other heroes marching in the streets on those three historic days.

Since EDSA was mainly about the people’s resistance to martial law, you can ask them their experience during the martial law era, how they fought,  even before the culmination of the people’s mass movement that was the EDSA People Power Uprising. You may also post old photos, artworks and/or anti-martial law memorabilia.

Link your blog entries to this post and grab the button below by copying the link to mark your participation. We will start posting links of entries in our website at exactly 12:00 noon on February 25.

On February 25, let us give proper honor and citation to the millions of Filipinos who made EDSA People Power possible. ###

A call to arms!

Kabataan ang pag asa ng Bayan – RIZAL
But does the youth, which Rizal says  “Pag-Asa” ng Bayan will still be the “Pag-Asa” ng Bayan if they would fail to enroll next sem because of their schools uprising trend in tuition fee?

fellow Rizalian’s!

we would like to inform you that on Feb26,2010 - there will be a tuition fee consultation at Tower62, 5pm which the upcoming tuition fee increase would be discussed. we would like to ask for your sympathy against any increase on our tuition fee.

as the admin says, one of their reasons why they should increase their tuition is because of the newly acquired “Autonomous” Status of our school. wherein they say that a school with such status can no longer be bothered by CHED, specifically on tuition fee increases.

but that reasoning is not true, because, the CHED cannot intervene with JRU(w/ its Autonomous Status) on opening on new courses only. it doesnt mean that having the Autonomous Status would be their reason for any increase on our tuition.  but what’s happening is, they, the school admin – is using the school’s autonomous status to gradually increase our tuition again.

we should not confer to that. we as students, can only guard our good education by preventing such tuition fee increases. a simple logic : if the school, once again increase its tuition – that would be a burden to our parents. and  the trend of drop out rates on our university will gradually increase again. is that the quality and good education they are bragging? yes, we got “the gold standard of academic excellence”, but by what measures? by increasing tuition fee which would cause us to stop come next academic calendar 2010-2011?

we have to do something. and yes, we can do something.

we are inviting you participate on our BLACK SHIRT DAY on Febryary26, 2010 at the our school campus. and also, there will be a massive mobilization at the front of our school wherein students from different academe in Metro Manila will conduct a program as a sign of solidarity to us Rizalians.

because of our schools repressive orientation, we understand that there are some fears on your thoughts, if you cant join the mobilization at the front of our school, you can express your sympathy by wearing black shirt on that said date(Feb26). you could also watch the program at the front of our school at around 4:30 – 5:00pm.

Remember :

1.Black shirt day on Feb26 2010 as a sign of protest against our schools tuition fee increase.

2. Make the Tution Fee Consultation Public!

We would also want to tell you that the consultation that will happen on Feb26 is only limited to central student council heads and org heads. that is so few compared to the nearly 9000 students of our school. what if, all of them are biased at our schools tuition fee increase? should we be the one to carry the burden? that is why we are demanding that the tuition fee consultation should happen in a public place, somewhat like the quadrangle wherein the majority of the students wil be the audience.

lets fight the massive commercialization on our school!
let us fight against Tuition Fee and Other Increases!
Black Shirt Day on Feb26!

with solidarity,
KabataanPartylist, JRU

Nang minsang nagpuyat ako sa DAR…

Mula kay SORAL

Mag-aala singko ng umaga.

Madaling araw parin ngayon. Ngunit hindi ito ang tipikal na madaling araw na kinasanayan ko…

Naririnig ko parin ngayon ang ingay na likha nga mga sasakyang kanina pa padaan daan

Nararamdaman ko parin ang kakaibang lamig dulot ng semento na ginawang higaan.

Naamoy ko parin ang kakaibang simoy ng paligid – dulot ito marahil ng kakaibang ahitasyon sa tuwing maiisip ko na hindi ako nag iisa dito sa kalsada.

Pasado ala singko ng umaga

Nandito ako sa tapat ng Department of Agrarian Redorm – ang departamento ng gobyerno na responsable sana para sa pagpapatupad ng tunay na repormang agraryo. Kasama ang libo libong magsasaka, kami ay pansamantalang natulog dito, dahil bukas ay kulminasyon na ng Mendiola Massacre.

Kung hindi mo alam kung anong meron dito….

Ito ang Lakbayan.

Ang makasaysayang Lakbayan ng mga magsasaka. Kung saan ang mga magsasaka mula sa ibat ibang rehiyon ng bansa ay nag martsa papuntang Maynila para sa lupa at Katarungan.

LUPA

…na matagal nang ipinagkait sa kanila – sa pamamagitan ng mga huwad na reporma sa lupa tulad ng CARP at CARPER.

at Katarungan

…para sa patuloy na pagdurusa nila mula sa ibat ibang rehimen. Katarungan para sa mga magsasakang naging biktima ng Masaker sa Mendioa at Hacienda Luisita.

Ito nga ang Lakbayan

Kung saan ang mga magsasaka ay hindi inalintana ang napakainit na araw, gutom, panghaharang at pandarahas ng mga pulis, – lahat ng yan para lang mairehistro nila ang kanilang demokratikong karapatan.

Ang uring magsasaka ang pinaka malaking sektor ng ating lipunan. Ngunit sa kasamaang palad ay sila pa ang pinaka napagsasamantalahan.

Ang lupang kanilang binubungkal ay iba ang nakikinabang. Ang pawis at pagod na dulot ng araw araw na pagtatanim ay kanilang tinitiis.

Ngunit bakit ang sinagot ng mga uring Panginoong May Lupa ay makauring pagsasamantala?

Sinong makaklimot sa Mendiola Massacre?


Kung saan labing tatlong magsasaka ang nagbuwis ng buhay.

Ang kanilang sinisigaw noong mga panahong ay pareho parin naman ngayon.

Tunay na repormang agraryo. Reporma sa lupa na magsisilbi sa interes ng mga magsasaka at hindi ng sa panginoong may lupa tulad ng CARP noon at CARPER ngayon.

Ngunit pasismo ang sinagot ng estado.

Enero bente dos, taong 1987.

Taon kung saan sinasabing kakapanumbalik palang ng matagal nang natulog na demokrasya dahil sa pasistang rehemeng Marcos.

Ngunit anong demokrasya ba ang nanumbalik?

Isang  demokrsya na nagsisilbi sa mga naghaharing uri?

Ngayon…

Dalawamput tatlong taon na ang nakalipas.

Ang masaker ay hindi nabaon sa limot ng mga mamamayan.

Hindi ito nag anak ng takot sa mamamayan – bagkus ay nagluwal lamang ito ng mas marami pang rebolusyunaryo para sa panlipunang pagbabago.

Nagsisimula nang magising ang mga kasama. Bukas na ang kulminasyon ng kanilang sampung araw na paglalakbay…

Dala siguro ng antok ay tahimik pa sila. Ngunit sa ating pagdaluyong mamaya sa tarangkahan ng Mendiola, tiyak kong mag iingay sila.

Malapit nang sumapit ang ala sais ng umaga.

Dito sa tabi ng DAR sa mismong araw ng komemorasyon sa Mendiola Massacre…

Nasan kaba ngayon?

Sana nandito ka…

-SORAL
22JAN10

DAR

Pakibasa kung ikaw ay aktibista

(Mula kay Danny Arao ng Pinoy Weekly)

Maniwala ka. Hindi ako katulad mo. Hindi mo dapat gamitin ang salitang “kasama” tuwing kinakausap ako.

At kung ikaw ay isa pang estudyante, mas kailangan mong malaman ang isang napakahalagang bagay: Hindi mo dapat sundan ang mga yapak ko. Oo, marangal na mga propesyon ang pinili ko – ang pagiging propesor at peryodista – at patuloy kong pinaghuhusay ang aking kakayahan sa dalawang larangang ito.

Katulad mo, pinipilit kong maging makabuluhan ang aking buhay. Pero ang misyon mo ay higit pa sa akin. Kung may ambisyon kang maging propesor at peryodista, kailangan mong tandaang puwede mong gawin ang pagtuturo’t pagsusulat pero sa iba’t mas mataas na antas.

Sadyang ibang-iba ka sa akin kahit na masasabing pareho tayong progresibo. Kung ako ay nagtatrabaho, ikaw ay kumikilos. Kung ako ay pumapasok sa opisina’t nakatakda ang mga dapat matapos, ikaw ay napapadpad sa kung saan-saan para gumampan ng iba’t ibang gawain. Kung ako ay mistulang alipin ng oras, ikaw ay mistulang tagapagsilbi ng sambayanan at mahirap na tawaging alipin ninuman.

Pero sa kabila ng ating pagkakaiba, may mga ipinaglalaban akong pareho ng sa iyo. Siguro’y sang-ayon ka rin sa karamihan ng mga opinyon ko. Posible ngang isa ka sa ilang aktibistang nagsabi sa akin noong namulat dahil sa pagbabasa ng ilang sinulat ko.

Kung sakaling namulat kita sa ating parehong interpretasyon ng katotohanan, maraming salamat. Kahit paano’y napapagaan nito ang mabigat na trabahong hatid ng paggampan ng dalawang propesyong pinili ko. Ikaw ang malinaw na ebidensiyang dapat ko lang ipagpatuloy ang klase ng progresibong pagtuturo’t peryodismong ginagawa ko, sa kabila ng hirap na dulot nito.

Pero ang sanaysay na ito’y hindi tungkol sa akin, kundi tungkol sa iyo. Sa panahong ito, iba ang pagtingin ng publiko sa aktibistang katulad mo. Sa mata ng mga nasa kapangyarihan, salot ang mga katulad mong dapat puksain at ubusin. Para sa nakararaming mamamayan, kapansin-pansin ang pagkawala ng kultura ng protesta dahil sa mga institusyong ang pangunahing layunin, lantaran man o hindi, ay protektahan ang kasalukuyang panlipunang kaayusan.

Ang kultura ng protestang nagsimula noong panahon ng dayuhang pananakop ay napalitan ng kultura ng karahasan laban sa mga naninindigan para sa makabuluhang pagbabago. Maraming aktibista’t peryodistang pinatay sa mga nagdaang taon, at malinaw sa mga estadistikang ang pinakamalaking bilang ay sa ilalim ng administrasyong Macapagal-Arroyo.

Sadyang nakakalungkot ang pagdating ng balitang may mga tinakot, dinukot o pinatay sa hanay ninyo. Aminin mo man o hindi, maaaring pinagmumulan ito ng away sa pamilya hinggil sa buhay na tinahak mo. “Anak, ano ka ba naman? Gusto mo na bang magpakamatay? Hindi kita pinalaki para lang sirain ang buhay mo sa mga bagay na walang katuturan!”

Alam mong kakaunti lang ang nakakaintindi ng konsepto’t esensiya ng aktibismo, kaya nga mabilis itong na naibebenta ng gobyerno, lalo na ng militar, ang ideyang ang mga aktibista ay komunista.

At kapag komunista, maaaring gawin ang walang pakundangang paglabag sa karapatan, kahit na nangangahulugan ito ng pagpaslang. At kapag pinatay na, maaaring itago sa publiko ang karumal-dumal na krimen sa pamamagitan ng pagtatapon ng bangkay sa mababaw na hukay o malalim na ilog.

Pero sa kabila nito, alam mong kailanman ay hindi maibabaon sa limot ang kasaysayan ng pakikibaka , anuman ang gawin ng mga nasa kapangyarihan. Patuloy na may saysay ang mga aktibistang dinukot at pinaslang dahil mayroon at mayroon pa ring gagampan ng kanilang mga naiwang gawain. Patuloy na babanggitin ang kanilang pangalan at paparangalan ang kanilang kabayanihan. Patuloy na mararamdaman ang kanilang presensiya sa lahat ng porma ng pagkilos.

Kahit na hindi kinikilala ng marami ang klase ng buhay na mayroon ka, alam mong kasaysayan ang maghuhusga sa iyo. Darating ang panahong magiging malaking karangalan ang matawag na aktibista sa lipunang ito. Ipagmamalaki ng iyong pamilyang kasalukuyang hindi nakakaintindi sa iyo ang pagkakaroon ng isang katulad mo.

Sa gitna ng malawakang paglabag sa karapatang pantao, hayaan mong batiin kita ng ”mabuhay” sa matalinghaga’t literal na kahulugan nito.

At sa pagtatapos ng sanaysay na ito, alam kong may posibilidad na ikaw (ang aking seryosong mambabasa) ay hindi aktibista. Kung umabot ka sa talatang ito, ibig sabihin ba nito’y mayroon kang interes sa buhay-aktibista? Sana naman, dahil lubhang kinakailangan sa pagkilos ngayon hindi lang ang pagpapalalim ng isip kundi pagpaparami ng hanay.

Hindi pa huli ang lahat para sumali. At ngayong tapos na ang sanaysay, maaari nang magnilay-nilay.

Para makipag-ugnayan sa awtor, pumunta sa http://www.dannyarao.com.

eleksyon sa ikatlong mundo

tag gutom
walang trabaho
demolisyon
kawalan ng lupang sakahan
kawalan ng serbisyong panlipunan
walang libro
walang klasrum
limitadong edukasyon
kahirapan
maliit na sahod. . . . . . .at kung anu ano pang muka ng ikatlong mundo

sa araw-araw simula nung oktubre pa ata
halos marindi ka
sa mga
nagsasabing sila ay mahirap
o bumati ng” maligayang pasko”
“maligayang bagong taon”
“kaisa nyo ako”
“babangon tayo”
at kung anu ano pa na mga linya
na halos isiksik sa utak ng mga tao
sa kabila ng kanilang pagiisip kung
pano makaalpas sa bawat araw ng dadating,
diba nakakabaliw?
sa bahay
sa telebisyon
sa radyo
sa dyaryo
sa pader
sa bus
sa damit
sa internet
sa weytingshed
at kung saan saan pa
sila ang makikita mo
di ba nakakabaliw un?
halos ipamuka sa atin
ang kanilang pagmumuka
na parepareho lang naman
kahit balikan pa nila ang kanilang nakaraan
na nakatira sa iskwater
naging kargador
nasunugan ng bahay
nag alaga ng baboy
at kung anu ano pang super kahirapan sa buhay. . . .
pero sino ba sila ngaun?
panginoong may lupa
burukrata kapitalista
mga bogus na makabayan
nagmasaker sa mga magsasaka
tuta ng imperyalista
mga tiwaling pulitiko
tila ba bigla nilang naaalala ang salitang
KAHIRAPAN

kahirapan sa kabila ng
milyun milyong kanilang
ginagastos para sa walang kwentang
komersyal sa telebisyon at radyo
sa mga tarpulin na sagabal sa daan
mga muka sa bus
at kung anu ano pa. . . . ..

MILYON
sa kabila ng
kawalan ng libro
sirang klasrum
wasak na ekonomya,
partida pa na may
ekanamik depresyon!
wow grabe!
mahirap nga sila…

ano bang meron
sa PWESTONG ito
para gumastos sila ng ganun kalaki
para lang manalo?
kapangyarihan?
kayamanan?
kahit ano pa man
ang kanilang dahilan. . .

walang pag unlad
hanggat atrasado ang agrikultura
hanggat walang tunay na repormang agraryo
hanggat nandyan ang prisensya ng imperyalista
hanggat malakolonyal at malapyudal ang lipunan
hanggat may tunggalian ng uri
. . . . . . . . .

sapagkat ang tunay na pag unlad at pagbabago
ay nasa kamay ng malawak na hanay ng masang pinagsasamantalahan
nasa kanilang mapangahas na pakikibaka
para wakasan ang tanikala. . . .

toOootTT.. (hardcore na ung kasunod) haha

taglagas?…di siguro, tanda to ng pag-unlad

Mula kay Baby – Mao

unang-una sa lahat di ako magpapaalam. dahil di naman tayo magkakalayo at magkakahiwalay. tawag din ng pangangailangan kaya dapat nang i-deploy sa ibang lugar o ibang areang kikilusan ang mga kasama.
wag din kayong malungkot dahil patunay lang ito kung gano tayo kawasto at patuloy ang pag-unlad ng ating kilusan kaya lumalawak din ang ating area of responsibility. hanggang sa huli naman tayo pa rin ang magkikita-kita. wag mawalan ng pag-asa dahil di ito ang mapagpasya. sabi nga ni patrick star “everything will be okay in the end, if it’s not okay then it’s not the end”

madami na kong naging mga karanasan at kwento sa paaralang yan, maging masaya man o malungkot higit sa lahat napakarami kong natutunan pagtungtong ko ng pamantasan na yan. dyan ko unang natutunan na mk-mp pala ang lipunan, dyan ko natutunan na imperyalismo pala ang pangunahing nagpapasakit sa ating inang bayan. dyan ako unang narekrut, nagkaroon ng mga bago at tunay na mga kaibigan, at ng mga kasama syempre (sila rin lahat yun e hehe).

nakakalungkot isipin syempre na lilisanin ko na ang aking sintang paaralan pero dala na rin ng panahon at katulad na nga ng nabanggit ko kanina tawag ng pangangailangan kaya kailangang gawin to. naalala ko noon kami yung pangalawang bugso ng mga nailuwal ng unang batch na mga organisador sa jru. yung mga naging idol kong mga organiser. lalong-lalo na yung mga naging kasabayan ko at ang mga sumunod pa.

una na dyan si __________na di ko talaga inaasahan na magiging ganyan sya. mahilig sya magbasa at madalas makita sa library, sa madaling salita bookworm. palagi ko tong katuwang dahil iisa ang org namin at masasabi kong napakabisa nyang katuwang at kasama. mahusay din sya magsulat at mag-propa. naalala ko nung una namin syang nakita nakaupo lang sya sa isang sulok at nagbabasa ngayon makikita nyo na sya nagsasalita sa mga programa.

isa pa si __________na unang-una kong naging idol nung unang marekrut pa lang ako. kahit hanggang ngayon naman. isa to sa mga nakapag-bigay sakin ng mga pag-aaral na talaga namang di matatawaran dahil sa sipag at husay at tyaga na rin nila sa pagpapaliwanag samin pag may di kami naiintindihan. madalas din syang makita sa library at palabasa din.

tsaka si __________na muntikan nang maging partipipol. pero buti nalang kumapit sa kanya ang mga napag-aralan nya at sa nakikita ko na patuloy pa rin nyang iniigpawan ang pagiging partipipol. patuloy lang sa pag-aaral, ayus yan.

syempre si________ na chiks kung tawagin hehe. eto tatahi-tahimik, di mo lang mapapansin pero lagi yan andyan. halos kasabayan ko lang din ata to e. di mo aakalaing sya pa yung magtatagal sa grupo nilang narekrut ng sabay-sabay kasi nga tatahi-tahimik lang sya.

tsaka pinakahuli, si_______. sa lahat eto ang pinaka di ko mamimis. dati idol ko to e, gustong-gusto kong makasama sa area, kaso nung nakasama ko na parang ayoko na pala. di pala astig. kala ko hardkor kasi ang haba ng buhok tas pag tinignan mo hardkor na hardkor ang itsura, di pala, nagkamali ako. looks can be decieving pala talaga.

yung mga iba pa syempre di ko din yun makakalimutan kaso masyado nang marami pag binanggit ko pa lahat. sana patuloy ko pa rin kayong makita sa mga susunod na mga pagkilos at inaasahan ko ang patuloy nyong pag-unlad. mag-aral lang, wag magsawang mag-aral.

*Si Baby Mao ay isang mahusay na naging kasama ng kolektiba ng JRU. Dito sya nahubog at nahasa bilang  isang pampulitikang aktibista.

Ang kanyang pagkawala ay mag aanak lamang ng mga panibago at mas maraming kabataan estudyante na magpapatuloy sa pakikibaka para sa pambansang demokrasya tungo sa pagbabagong panlipunan…

Taglagas at Pagpula ng silangan

Mula kay SORAL :

“Pupula rin ang silangan”

Yan ang naisulat ko habang nag iisip ng caption para sa litrato na ngayon ay primary picture ngaun ng FB account namin.

At talaga namang nararapat ang caption na yun. Although magiging masalimuot nga lang ang mga magaganap bago mangyari iyon. Pero isa lang yun sa mga bagay na dapat paghandaan ng bawat isa satin tungo sa rebong tagumpay na inaasam natin.

Taglagas..

Kahapon ay nangyari na nga ang inaasahan kong magaganap : Nawalan ako ng apat na kolektib. Parang kahapon lang na sabay sabay kaming pumasok sa PUP, at pagkatapos ng mahabang pagtatasa namin at paglalagom, paglabas sa PUP ay hindi na sila kabilang sa kolektiba namin.
Pero hindi naman dapat tayo malungkot. Dahil isa lang ang siguradong sagot kung bakit naganap ito : Para mas malawak pang makapag silbi sa masa at para mas malawak pa ang maabot namin.

Pero kahit alam natin ang obhetibong mga dahilan; hindi parin maiaalis na ma miss ko ang mga kasama.

Mami miss ko ang kolektib ko na madalas ay nakasimangot, madalas uminit ang ulo at madalas na nananariwa sakin ang tipikal na itsura nya na dala dala ang napakalaking bag nya – na sabi nga ng mga tibak na may malalaking bag : “dala ko ang bahay ko” Naalala ko pa nun. Halos magkasabay lang naman kami na organisa, sabay na suspend at sabay na nagpatuloy sa pagkilos. Sa katunayan, sa aking palagay ay isa sya sa mga naging pinaka matatag na kasama. Naging napaka bilis ang kanyang pag unlad. Simula sa lunes ay sa ibang erya na sya papakat. Alam kong maninibago sya pero alam ko namang madali lang syang makakapag adjust. Hindi narin naman ako nanghihinayan dahil nawala sya samin. Dahil alam kong magiging produktibo sya sa kung san man sya mapapadpad.

Mami miss ko rin ang kolektib namin na madalas kong katalakayan kapag walang masyadong mga gawain. Mami miss ko rin ang pagiging matalas nya sa mga bagay bagay. Parehas kaming badtrip sa liberal at burgis na propesor namin sa econimics, kapag napag uusapan namin ang prof na yun ay hindi maiiwasang tilad tilarin namin ang mga maling bagay na pinag sasabi nya sa kanyang mga estudyante. Sya na siguro ang pinaka matanda sa amin(sa temino ng pagkilos, hindi edad). Sya nalang ang natira mula doon sa “first wave” ng mga organisador na nagmulat, nag organisa at nagpa mobilisa sa amin. Isa rin sya sa maraming tao na naging dahilan ng pagtagal namin at paghawak ng mahigpit sa rebong kilusang mapagpalaya na kinapapalooban namin. Ang pagkalipat nya ng kolektiba ay isang magandang paraan para mas lalo pang makapagpa unlad. Tungo sa mas malawak na tagumpay!

Mami – miss ko rin ang kolektib ko na madalas magsunog ng oras sa bilyar at sa pagiging problemado nya ukol sa “pakikipag relasyon” at mga bagay na nagiging problema nya. nagulat ako nang malamang isa rin sya sa mga mawawala, dahil nitong Septyembre palang naman sya na organisa. Ngunit sa maikling panahon na yon, isa sya sa mga pinaka naging maunlad kung ikukumpara sa iba nyang naging kasabay. Niyakap nya ang ipinaglalaban ng kilusang mapagpalaya. Matyaga rin sya sa pag aaral sa lipunan. Madalas kong maalala ang mga panahong sya pa mismo ang lumalapit sa amin para bigyan sya ng ED, tapusin ang lahat ng Prereq(na hindi naman talaga dapat nya malaman, ngunit nalamayn nya dahil sa isang kolektib na hindi maka tiis magbigay ng spoiler). Pero isa ang tiyak ko, kahit na medyo mahihirapan sya mag adjust sa bagong kapaligirang mapapadpadan nya..nakikita ko naman sa kanya ang apoy na nakikita ko sa mga kasama. Kayat magpatuloy na sumulong at magpaunlad!

At hindi pwedeng hindi ko mamiss ang kolektib naming bestfriend ng kolektib naming mahilig sa bilyar. Halos isang buwan lang ang pagitan nila ng ma organisa. Ngunit pagdating ng pangalawang semestre ay huminto sya sa pag aaral. Kahit naging ganun ang nangyari ay patuloy parin namin syang nakakasama sa mga pagkilos : Isang manipestasyon ng kanyang pagkapit at paghawak sa linya na ating ipinaglalaban. Mami miss siguro sya ng isa naming kolektib na sa palagay ko ay nagiging malapit na sa kanya. Dapat lang natin tandaan na nandito lang ang kolektib, kung nais man nilang gawing pormal ang lahat – mas marangal at nararapat. Wala naman akong bahid ng pagdududa sa kanya. Tiyak akong magagawa nya ng maayos ang mga bagong gawain na ipapagawa sa kanya. Kaya’t masaya ako kahit mawawala sya.

Bilang pagtatapos ay guto kong magpasalamt sa mga pagkakataong nakasama ko ang mga kasama. At wala naman talagang magbabago kungdi ang lugar na pinupuntahan nila. Magkikita parin naman tayo sa mga susunod na kilos protesta, sa mga picketline ng mga manggagagawa, sa mga rebong anibersaryong pagtitipon, at malay nyo : Sa mga susunod na taon ay sa kanayunan na tayo magkita. May posibilidad naman diba? Malking posibilidad.

Kasalukuyan palang tumutugtog ang Awit ng Pag Asa, ikaw, ano ang pinakikinggan mo?

SORAL
10JAN10

0540pm



Follow

Get every new post delivered to your Inbox.