Merry Xmas? at Happy New Year?

Galing kay SORAL – Isang taon na ang nakalilipas..

Merry Christmas?

ano ibig sabihin sayo ng pasko?
habang nanonood ka ng paborito mong palabas, at ang iba ay namamalimos sa labas..

habang sa sine ay pumipila, at ang iba sa NFA rice umaasa..

shopping sa mall, at ang iba wala kahit kohol..

humihiling ng bagong PSP at bagong CP, habang ang iba’y solve na sa pancit canton..

gustong gumala dahil walang magawa, habang nagugutom ang maraming manggagawa..

shot muna ng redhorse habang marami ang hikahos..

yosi muna sa tabi, habang parami ng parami ang pulubi?
ano nga ba ang kaibahan ng kasiyahan sa kaligayahan?

MALIGAYANG PASKO!

Eto naman ay mula kay “Baby Mao” (Mula parin sa kolektibo ng JRU)

Happy New Year?

Anong kabuluhan ng pag-cecelebrate ng new year?
O ng pagpapaputok pagsapit ng bagong taon?
Para daw maalis ang malas at masasamang elemento sa bahay? Sa buhay?
gano kaya ka-totoo yun? Bakit kaya madami pa ring naniniwala kahit wala namang scientific basis na nagsasabing maaari ngang mangyari yun. Bakit kaya madami pa ring nagpapaputok ng napakararami at napakamamahal na fireworks at fire crackers twing gantong panahon?
Siguro kasi maraming ayaw sa masasamang elemento na nakapaligid sa kanila, sa’tin.

Pero bakit kaya kahit taun-taon na lang na gumagasta tayo at gumugugol ng panahon sa pagbili at pagpapaputok di pa rin nawawala ang masasamang elemento sa’ting nabubulok na lipunan? Ang IBP? Bakit nandyan pa rin sila at patuloy na umiiral?

Siguro dapat di na lang tayo umaasa na may magbabago pa kung dadaanin lang natin sa pagpapaputok at pag-iingay twing bagong taon. Siguro dapat di nalang tayo nagpapaputok sa mga kalsada at sa kung saan-saan pa man, siguro dapat sa kanila na mismo itutok ang mga paputok at sila na mismo ang pasabugan. Ang mga salot na Imperyalismo, mga burukrata kapitalista, at ang pyudalimong umiiral sa kanayunan. Sindihan natin ang mitsa ng mga nagngangalit na mamamayan.
Yan naman ang tungkulin natin di ba? Patuloy lang tayo sa paglubog sa masa at organisahin sila hanggang sa abot ng ating makakaya.
Pag-igihan pa natin ngayong darating na taon na 2010.
Hanggang sa tagumpay!!

0 Responses to “Merry Xmas? at Happy New Year?”



  1. Leave a Comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s





%d bloggers like this: