eleksyon sa ikatlong mundo

tag gutom
walang trabaho
demolisyon
kawalan ng lupang sakahan
kawalan ng serbisyong panlipunan
walang libro
walang klasrum
limitadong edukasyon
kahirapan
maliit na sahod. . . . . . .at kung anu ano pang muka ng ikatlong mundo

sa araw-araw simula nung oktubre pa ata
halos marindi ka
sa mga
nagsasabing sila ay mahirap
o bumati ng” maligayang pasko”
“maligayang bagong taon”
“kaisa nyo ako”
“babangon tayo”
at kung anu ano pa na mga linya
na halos isiksik sa utak ng mga tao
sa kabila ng kanilang pagiisip kung
pano makaalpas sa bawat araw ng dadating,
diba nakakabaliw?
sa bahay
sa telebisyon
sa radyo
sa dyaryo
sa pader
sa bus
sa damit
sa internet
sa weytingshed
at kung saan saan pa
sila ang makikita mo
di ba nakakabaliw un?
halos ipamuka sa atin
ang kanilang pagmumuka
na parepareho lang naman
kahit balikan pa nila ang kanilang nakaraan
na nakatira sa iskwater
naging kargador
nasunugan ng bahay
nag alaga ng baboy
at kung anu ano pang super kahirapan sa buhay. . . .
pero sino ba sila ngaun?
panginoong may lupa
burukrata kapitalista
mga bogus na makabayan
nagmasaker sa mga magsasaka
tuta ng imperyalista
mga tiwaling pulitiko
tila ba bigla nilang naaalala ang salitang
KAHIRAPAN

kahirapan sa kabila ng
milyun milyong kanilang
ginagastos para sa walang kwentang
komersyal sa telebisyon at radyo
sa mga tarpulin na sagabal sa daan
mga muka sa bus
at kung anu ano pa. . . . ..

MILYON
sa kabila ng
kawalan ng libro
sirang klasrum
wasak na ekonomya,
partida pa na may
ekanamik depresyon!
wow grabe!
mahirap nga sila…

ano bang meron
sa PWESTONG ito
para gumastos sila ng ganun kalaki
para lang manalo?
kapangyarihan?
kayamanan?
kahit ano pa man
ang kanilang dahilan. . .

walang pag unlad
hanggat atrasado ang agrikultura
hanggat walang tunay na repormang agraryo
hanggat nandyan ang prisensya ng imperyalista
hanggat malakolonyal at malapyudal ang lipunan
hanggat may tunggalian ng uri
. . . . . . . . .

sapagkat ang tunay na pag unlad at pagbabago
ay nasa kamay ng malawak na hanay ng masang pinagsasamantalahan
nasa kanilang mapangahas na pakikibaka
para wakasan ang tanikala. . . .

toOootTT.. (hardcore na ung kasunod) haha

2 Responses to “eleksyon sa ikatlong mundo”


  1. 1 Faye January 16, 2010 at 3:06 pm

    Ka-agit naman ito. Mahusay kasama!

    “halos ipamuka sa atin
    ang kanilang pagmumuka
    na parepareho lang naman”

    Magaling! Magaling!

    SULONG LANG!

  2. 2 jru January 17, 2010 at 10:30 am

    ayus hehe…dadami na nang dadami ang mga akda dito…

    gawin pa nating mas makulay at mas mapula at mas makabuluhan ang ating site (literally na makulay)..hahaha

    ok…ayos…open po sa lahat ng mga taga-jru ang magsulat dito at kami na po bahalang mag-publish…para mas maging mabuhay


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s





%d bloggers like this: