Nang minsang nagpuyat ako sa DAR…

Mula kay SORAL

Mag-aala singko ng umaga.

Madaling araw parin ngayon. Ngunit hindi ito ang tipikal na madaling araw na kinasanayan ko…

Naririnig ko parin ngayon ang ingay na likha nga mga sasakyang kanina pa padaan daan

Nararamdaman ko parin ang kakaibang lamig dulot ng semento na ginawang higaan.

Naamoy ko parin ang kakaibang simoy ng paligid – dulot ito marahil ng kakaibang ahitasyon sa tuwing maiisip ko na hindi ako nag iisa dito sa kalsada.

Pasado ala singko ng umaga

Nandito ako sa tapat ng Department of Agrarian Redorm – ang departamento ng gobyerno na responsable sana para sa pagpapatupad ng tunay na repormang agraryo. Kasama ang libo libong magsasaka, kami ay pansamantalang natulog dito, dahil bukas ay kulminasyon na ng Mendiola Massacre.

Kung hindi mo alam kung anong meron dito….

Ito ang Lakbayan.

Ang makasaysayang Lakbayan ng mga magsasaka. Kung saan ang mga magsasaka mula sa ibat ibang rehiyon ng bansa ay nag martsa papuntang Maynila para sa lupa at Katarungan.

LUPA

…na matagal nang ipinagkait sa kanila – sa pamamagitan ng mga huwad na reporma sa lupa tulad ng CARP at CARPER.

at Katarungan

…para sa patuloy na pagdurusa nila mula sa ibat ibang rehimen. Katarungan para sa mga magsasakang naging biktima ng Masaker sa Mendioa at Hacienda Luisita.

Ito nga ang Lakbayan

Kung saan ang mga magsasaka ay hindi inalintana ang napakainit na araw, gutom, panghaharang at pandarahas ng mga pulis, – lahat ng yan para lang mairehistro nila ang kanilang demokratikong karapatan.

Ang uring magsasaka ang pinaka malaking sektor ng ating lipunan. Ngunit sa kasamaang palad ay sila pa ang pinaka napagsasamantalahan.

Ang lupang kanilang binubungkal ay iba ang nakikinabang. Ang pawis at pagod na dulot ng araw araw na pagtatanim ay kanilang tinitiis.

Ngunit bakit ang sinagot ng mga uring Panginoong May Lupa ay makauring pagsasamantala?

Sinong makaklimot sa Mendiola Massacre?


Kung saan labing tatlong magsasaka ang nagbuwis ng buhay.

Ang kanilang sinisigaw noong mga panahong ay pareho parin naman ngayon.

Tunay na repormang agraryo. Reporma sa lupa na magsisilbi sa interes ng mga magsasaka at hindi ng sa panginoong may lupa tulad ng CARP noon at CARPER ngayon.

Ngunit pasismo ang sinagot ng estado.

Enero bente dos, taong 1987.

Taon kung saan sinasabing kakapanumbalik palang ng matagal nang natulog na demokrasya dahil sa pasistang rehemeng Marcos.

Ngunit anong demokrasya ba ang nanumbalik?

Isang  demokrsya na nagsisilbi sa mga naghaharing uri?

Ngayon…

Dalawamput tatlong taon na ang nakalipas.

Ang masaker ay hindi nabaon sa limot ng mga mamamayan.

Hindi ito nag anak ng takot sa mamamayan – bagkus ay nagluwal lamang ito ng mas marami pang rebolusyunaryo para sa panlipunang pagbabago.

Nagsisimula nang magising ang mga kasama. Bukas na ang kulminasyon ng kanilang sampung araw na paglalakbay…

Dala siguro ng antok ay tahimik pa sila. Ngunit sa ating pagdaluyong mamaya sa tarangkahan ng Mendiola, tiyak kong mag iingay sila.

Malapit nang sumapit ang ala sais ng umaga.

Dito sa tabi ng DAR sa mismong araw ng komemorasyon sa Mendiola Massacre…

Nasan kaba ngayon?

Sana nandito ka…

-SORAL
22JAN10

DAR

0 Responses to “Nang minsang nagpuyat ako sa DAR…”



  1. Leave a Comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s





%d bloggers like this: