Ano ang JRU COMMUNE?

Ang JRU COMMUNE ay ang opisyal na online portal ng mga progresibo at radikal na mga estudyante ng Jose Rizal University.

Para saan at para kanino?

Primaryang dahilan kung bakit ito ginawa ay para i-maximize ang mabilis na pag unlad ng teknolohiya ukol sa pagpapasa ng impormasyon mula sa isang tao papunta sa iba.

Ay syempre – para mas malawak pa ng mga kabataan ang aming mamulat, ma organisa at ma mobilisa.

Itong blog na to ay ang opisyal na daluyan namin ng impormasyon kung saan regular itong ia-update ni pulang krayola. Bukod sa blog na ito; kami ay nasa Facebook, Friendster at Multiply din. Ang opisyal na imbakan namin ng litrato ay sa Flickr. (hindi pa ayos ang mga links)

Ano ang mga nakapaloob dito?

Primaryang nakapaloob dito ay mga analysis hingil sa mga nangyayari sa ating lipunan at kung paano ito iuugnay sa pambansa demokratikong pakikibaka ng mamamayan.

Nakapaloob din dito ang personal na mga sulatin ng mga estudyante-aktibista hingil sa kanilang mga buhay na karanasan sa paglahok sa kilusang masa habang patuloy na nag aaral sa kanilang unibersidad.

Higit sa lahat makikita rin dito kung paanong ang isang burges na unibersidad na may liberal na oryentasyon tulad ng JRU ay pwedeng magluwal ng mga estudyanteng nakikibaka para sa Pambansang Demokrasya at naglilingkod sa intereres ng malawak na masang api at pinagsasamantalahan.

Bukod sa mga nabanggit; magiging tahanan din ito ng mga tula, essays, litrato at iba pa na magsisilbi upang pukawin ang kamulatan ng kapwa namin kabataang estudyante.

Sino ang mga maaring pumunta at magbasa dito?

Lahat ay ineengganyo naming regular na pumunta at magbasa dito. Partikular sa kapwa namin kabataan at estudyante mula sa ibat ibang unibersidad at kolehiyo, at syempre – sa mga kamag aral namin sa Jose Rizal University.

Malugod din pala naming tinatanggap dito ang magiging regular na pagdalaw ng kahit sino mula sa Admin ng aming unibersidad. Alam naman naming patuloy parin ang pag iral ng mga kontradiksyon sa pagitan ng ating mga panig : (1) sa pagitan ng mga radikal at progresibong estudyanteng umuusbong sa aming sintang paaralan na nagsusulongĀ  ng pambansang demokrasya sa isang panig at (2) sa panig ng mapanupil at represibong katangian ng Admin ng JRU at sa pasistang pagtatangka nito na supilin kami sa kabilang panig.

Alam naman naming magkaiba lang ang oryentasyon at ideolohiya na gumagabay sa ating pang araw araw na buhay. Alam din naming kahit pilit nyo kaming sinusupil ay parte parin naman kayo ng nabubulok na sistema ng lipunan at tulad namin – hindi rin kayo ligtas sa pagsasamantala.

Kaya po malugod namin kayong iniimbitah dito. Malay nyo..sa proseso ng paniniktik nyo dito ay mamulat narin kayo?

In the process? Sana nga. XP

0 Responses to “Hingil sa blog”



  1. Leave a Comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s





%d bloggers like this: