Pulang Krayola

Si Pulang Krayola ay ang punong abala sa pag aasikaso ng JRU COMMUNE kung saan sya ang regular na nag uupdate nito upang epektibong makapaglingkod sa interes ng kapwa nya kabataan at estudyante.

Sya ay kasalukuyang abala sa pagbabalbal ng kanyang isipan(intellectual masturbation) para manatiling buhay ang kanyang malapit nang madurog na katinuan.(syempre joke lang un. hehe)

Tulad ng marami – sya ay aktibo sa paglahok sa pambansa demokratikong pakikibaka ng mamamayan para sa tunay na kalayaan at soberanya. Na-organisa at pumaloob sa kilusang masa noong unang kwarto ng 2008 at mula noon ay tinuring nalang na pangalawa ang akademya bilang sekundaryang mahalagang tungkulin bilang estudyante.

Tulad ng maraming estudyante na na-organisa, sya rin ay palagiang naiipit sa kontradiksyon ng pagiging tibak at pag aaral. Ngunit matagumpay naman nya itong napapangibabawan at nagpapatuloy parin sa pagsulong.

Mahilig syang magbasa at magsulat. Kung walang ginagawa, madalas syang mamamataan sa Serials Section ng main library sa Building H, kung saan nagsusunog sya ng oras dun sa pagbabasa ng dyaryo.

Kasalukuyang binabagtas ang kursong BSIT at habang tumatagal ay lalo nyang kinamumuhian ang kursong kinuha nya.

—–

SORAL

Si SORAL naman ay ang nag iisang katuwang ni pulang krayola sa  pagsusulat sa blog na to. Sya palang ang nakukuha ng JRU COMMUNE bilang contributor para dito sa kasisimula palang na blog natin.

Sya ay isang aktibong blogger.  Sinimulan nya ang kanyang blog na “Son Of Rage And Love” noong Hulyo ng 2008 kung saan kagagaling palang nya; kasama ang iba nyang kamag aral sa isang masalimuot na karanasan nang sila ay supilin ng Admin ng kanilang unibersidad.

Si SORAL ay isa lang sa napakarami pang mga estudyante na galit sa kasalukuyang bulok na sistema ng edukasyon – hindi lang sa JRUl kungdi sa lahat ng unibersidad at kolehiyo sa ating bansa.

Tulad ng marami – ang pagkamuhi sa kasalukuyang bulok na sistema ng lipunan sa kabuuan ang humubog sa kanya para maging pambansa demokratikong aktibista ng kanyang panahon.

Kasalukuyang binabagtas ang kursong Political Science(yun ang pangarap nyang kurso ngunit bumagsak sa..) BSIT.

Bukod don ay mahilig din sya magbasa ng mga  nobela; paborito nya ang mga akda ni Lualhati Bautista, at ng mga pambansa demokratikong babasahin. Nakaugalian na nya ang pagsusulat sa kalagitnaan ng madaling araw habang nagpapakabangag sa kaka inom ng kape.

2 Responses to “Hingil sa (mga) may akda”


  1. 1 Faye December 29, 2009 at 12:19 pm

    Hoho. Magaling, magaling!
    Mabuhay si Pulang Krayola at si SORAL!
    Sulong lang!

  2. 2 MARiAN December 30, 2009 at 11:12 am

    may ipinanganak nanaman ..
    namiss ko tuLoy bigLa si SORAL ..
    ingat ka kaibigan ..

    :]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s





%d bloggers like this: