41 Taon: Paano?
Sa kanilang tradisyunal na ‘anniversary statement’, kinutya ng Communist Party of the Philippines ang administrasyong Arroyo bilang isa nanamang gobyerno na nabigo sa tangkang talunin o pasukuin sila mula sa kanilang ‘armed insurgency’.
Katunayan, malaking sampal ito sa gobyernong Arroyo na nangako noong 2006 na dudurugin ang CPP at ang New People’s Army pagdating ng 2010.
Malaking sampal rin ito sa mga elitistang mga intelektwal (dapat na ba akong maglaglag ng mga pangalan dito?) na ikinatuwa ang pagbagsak ng Soviet Union noong 1991 at sinabing ‘ang kapitalismo ang pinaka-mataas na yugto ng kasaysayan’. 18 taon na mula nito, buhay pa rin kung tawagin ay ‘people’s war’ sa Pilipinas.
Ito ba ay kaso tulad ng mga Hapon na nagtago sa mga bundok at kweba noong World War 2 at di namalayan, ilang dekada na ang nakalipas, na tapos na ang giyera? Sila ba ang patunay na ‘matagal mamatay ang masamang damo’? O may iba pa bang rason?
Para maging siyentipiko tayo sa pagbubuo natin ng ating pananaw, maganda ay aralin mismo yung pinag-uusapan natin: ang rebolusyon sa Pilipinas, ang kilusan na naglulunsad nito, at ang primaryang pamamaraan ng paglulunsad ng rebolusyon.
Isang sentral na parte ng ‘people’s war’ ay yung tinatawag na ‘agrarian revolution’: libreng pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka imbes na ung may-bayad na pamamahgi ng lupa sa ilalim ng CARPER. Sa ‘agreb’, tinutulak rin ang mga magsasaka na magtulungan sa pagsasaka sa kanilang mga indibidwal na lupain para mapabilis ang trabaho at mapataas ang efficiency.
Sa pamamahagi ng lupa, nasasapul ang pinaka-ugat ng kahirapan ng pinaka-malaking sektor sa mga bansa backward at agricultural, tulad ng Pilipinas ngayon at Tsina noon.
Una itong ginawa nila Mao nung late 30s. Sa paraan na ito, nakuha ng CPC ang suporta ng mayorya ng mga magsasaka, milyon-milyon sa kanila ang sumapi sa Red Army, at nakontrol nila ang countryside at napalibutan ang mga siyudad kung saan nagtatago ang mga Hapon at sila Chiang Kaishek.
Isang paboritong metapora ay ang mga armed revolutionaries ay mga isda at ang mamamayan, lalo na sa kanayunan, ang dagat. Pag wala sila, mamamatay ang mga rebolusyonaryo. Conversely, hindi sila matatalo hangga’t anjan ang mga sumusuporta sa kanila.
Maraming historical evidence ito: unang-una na jan sila Mao at ang Red Army. Andyan rin ang nepal, kung saan napatalsik ng Communist Party of Nepal ang ruling monarchy sa pamamagitan ng People’s War. Sa India naman, mayorya ng Eastern at Southern regions nila ay tinataguriang ‘liberated areas’, o mga lugar na pinamumunuan na ng Communist Party of India-Maoist.
Bukod dito, mas malaking ‘factor’, o salik, ng patuloy na pamamayagpag ng ‘people’s war’ ay ang simpleng pagiging tama nito. Para lang sa high school science: kung tama ang hypothesis, tama ang resulta ng experiment. Ganito rin sa pagrerebolusyon: kung tama ang guiding ideology, tama ang mga experiences.
Isang lipunang sosyalista ang ineenvision ng mga Maoists na ipapalit sa kasalukuyang sistema. Napakalayo nito sa makitid na pananaw ng maraming mga ‘intelektwal’ kung saan nillimitahan ang usapin ng pagbabago sa usapin ng mga pangulo, prime minister, at eleksyon.
Sa sosyalismo, inaatake ang pinaka-ugat ng kahirapan: ang monopolyo ng iilang mga indibidwal sa mga ‘means’, o kagamitan’ of production. Ang lupa, makina, pabrika, at higit sa lahat, ang lakas-paggawa, ay kontrolado ng iilan. Pinaka-magandang ehemplo ay 2% ng buong pandaigdigang populasyon ay mas mayaman pa sa kalahati ng lahat ng mga tao sa mundo.
Dahil kontrolado ng mga kapitalista ang mga makina, sila ang nakapagtatakda kung ano ang makukuhang sweldo ng mga manggagawa. Ganun rin ang mga panginoong maylupa sa mga magsasaka. Kung aaralin, makikita natin na napaka-liit na porsyento lang naman talaga ng halaga ng mga produktong nililikha ng mga manggagawa at magsasaka ang napupunta sa kanila. Ang masakit pa, kung wala naman ung kanilang lakas paggawa, hindi magiging finished products ang mga raw materials at equipment.
Sa sosyalismo, inaalis na itong mga ‘parasitic’ na mga uri. Ang resulta? Una, dahil nag-ooperate na ang mga industriya sa zero o minimal na profit, lalaki ang sweldo ng mga manggagawa’t magsasaka o liliit ang oras ng pagttrabaho nila. Pangalawa, nai-didirect ang mga industriya at agrikultura na maglikha batay sa pangangailangan ng mga tao, at hindi sa kung ano ang ‘profitable’.
Imbes na mga kapitalista at mga panginoog maylupa ang may kontrol sa kayamanan, ito ay hahawakan na ng gobyerno ng mamamayan (siyempre, hindi na ito sila Gloria).
Milyon-milyong mga manggagawa sa buong mundo ang nawalan, at patuloy na nawawalan ng trabaho dahil sa global financial crisis. Dumadami na rin ang naaalarma sa mga tumitinding epekto ng climate change dahil sa polusyon ng ilang higanteng kapitalistang mga bansa. Dumadami muli ang mga tao na kinikilala ang sosyalismo bilang tanging solusyon sa dalawang malaking krisis ng buong daigdig.
Kung ganun, hindi dapat tayo magtaka kung bakit hindi natatalo ang ‘people’s war’ sa bansa. Hindi rin dapat tayo magtaka kung bakit bumubulusok uli ang rebolusyon sa maraming parte ng mundo, tulad ng sa India, Nepal, Turkey, Palestine, at Turkey.
Ano ngayon ang pwede/kailangang gawin ng kabataan?
Simple ang unang task ng kabataan, sila man ay estudyante, propesyunal, out-of-school, o out-of-work: ang mag-aral hinggil sa lipunan at rebolusyong Pilipino. Ang unang hakbang para makatulong sa pagbabago sa bansa ay alamin kung ano ang kailangan baguhin, at paano ito babaguhin.
Noong panahon ng, at bago mag First Quarter Storm, parang kabute ang pagkalat ng mga ‘study circles’ ng mga kabataan: mga grupo ng iilan na nagkikita regularly para talakayin ang mga samu’t-saring mga bagay. Mula sa simpleng maiinit na social issues, hanggang sa mga malalalim na political theories tulad ng Marxismo, Leninismo, at Maoismo.
Ang kaalaman, tulad ng tubig, ay nabubulok kung hindi dumadaloy. Kaya ang susunod na tungkulin ay hatakin ang mas maraming kabataan pa: ito man ay mga kaklase, ka-opisina, kapitbahay, kapamilya, etc. Katunayan nga, mas maganda kung tayo mismo ay papaloob sa mga organisasyon ng kabataan na tungkulin ang pagtatalakay at pagpapaliwanag sa mga kabataan tungkol sa pagbabago.
Marami sa ating mga kabataan ay ‘indibidwalista’ at ayaw pumaloob sa mga org. Ngunit kung tutuusin, lumalakas ang ating kakayahan maglunsad ng pagbabago sa loob ng mga organisasyon. Dito nagiging totoo ang kasabihang “the sum is greater than the parts combined”. Halimbawa, relatibong mas malaya sa UP ngayon kumpara sa mga ibang kolehiyo. Produkto ito ng matagal na laban ng mga student orgs sa UP. Ganun rin sa mga manggagawa, ang kanilang unyon ang nakikipag-negosasyon sa management para sa kanilang mga karapatan. At kung talagang inaapii sila, sama-sama rin silang nagwewelga.
Pangatlo, tulad uli ng scientific method, kailangan ng direct ‘knowledge’. Kailangan rin natin alamin, gamit ang ating sariling mga mata, kamay, at iba pang ‘senses’, para malaman ang tunay na kalagayan ng mga sinasabing ‘basic sectors’ ng lipunan. Paano tayo makakapag-‘lingkod sa sambayanan’ kung hindi natin alam ang kalagayan ng sambayanan? Kaya napaka-importante na pumunta sa mga exposure trips sa mga sakahan hacienda, pabrika, piketline ng welga, at mga komunidad ng maralita. ###